GUMACA, QUEZON. Kumobra ng maagap na tiket ang Quatro Archers matapos walang makalaban sa Archery Events sa ginanap na Palarong Panlalawigan ngayong araw.
Pahayag ni G. Jose Y. Mendoza, tagapagsanay ng womens archery team, bagaman nanalo, ito ay nangangahulugan ng mas mabigat na reaponsibilidad dahil kakailanganin ng mas matinding ensayo para sa mas mataas na kumpetisyon.
Dagdag pa niya "Hindi kami dapat makampante, kailangang lalo pa naming paghusayan."
Saad naman ni Thatcher Margaret S. Diamante, highest pointer ng Archer Quatro, "Masaya po ako na nakakuha po ako ng mataas na points ngayon pero kailangan ko pa pong galingan kasi hindi po biro yung makakalaban ko sa region."
Muling abangan ang Quezon Archery Team sa darating na Regional Sports Competition na kilala rin bilang CALABARZON Heroes Game na gaganapin sa Dasmariñas Cavite. (Arjay Oribiana, Gumaca NHS)
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon