Bilang bahagi ng pormal na pagbubukas ng SDO Quezon - Catanauan Sub-Office sa Abril 07 sa pangunguna ng Top Management, nagtipon ang mga kawani ng Dibisyon at mga panauhin para sa isang makulay at masayang Gabi ng Kultura sa Casa Joros Mendenilla Resort, Catanauan Quezon, Abril 06. Ilan sa mga itinampok sa gabing ito ang sayaw na "Abaruray", Latin Ballroom, at K-Pop dance ng mga mag-aaral mula sa Catanauan Central School; lokal na awiting handog ni Gng. Bonna Capina ng San Roque ES at G. Allan Andrade ng San Isidro NHS; sayaw mula sa PTA/Stakeholders ng Catanauan CS; at mga tugtugin mula sa Sariaya Community Rondalla sa pamumuno ni Dr. Reinnard Christian Merano. Nagpahatid ng pasasalamat si SDS Elias Alicaya Jr. sa suporta ng mga kawani at lokal na pamahalaan. Nagbigay din ng mensahe ang ASDS in-charge sa nasabing sub-office, Dr. Herbert Perez, at ng isang kamangha-manghang Rondalla performance na pinalakpakan ng mga manonood, kasama ang mga section/unit heads. Ang programa ay matagumpay na naisakatuparan sa tulong ni Dr. Chona Andrade, PSDS ng Catanauan District I. +++ #SulongEdukalidad #DepEdQuezon #DepEdTayo #DepEdTayoQuezonProvince #DepEdCALABARZON #ProjectAPPRAISE #ALITAPTAPawards #EduAksyon #DepEdPhilippines #ParaSaBataParaSaBayan #KwentoNgPagAsaAtTagumpay #QuezonPREFIC #SubOffice #CatanauanSubOffice #ProjectDEVOLVES #CulturalNight #GabiNgKultura Oscar R. Duma Jr. DIO | SEPS | PREFIC
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon